Ano ba ang pananaw mo sa isang relasyon na walang kasiguraduhan?
Ang long distance relationship mahirap... masakit para sa dalawang taong nagmamahalan ng malayo sa isa't isa.
May mga taong pinipiling tiisin ang sakit dahil alam nila sa sarili nila na kaya nila, at naniniwalang may patutunguhan din ang lahat basta may tiwala sa isa't isa... yun ang mahalaga.
Pero sapat ba? Sapat ba ang tiwala para magtagal ang ganitong relasyon?
Ang pagtitiwala ay dapat may katumbas na tapat na pagmamahal.
Kailangan tiisin ang sakit... kailangan mong maghintay... kailangan mong mag tiwala.
Pero hanggang saan... hanggang kailan ka aasa?
Kung minsan umiiyak sa sobrang pagkamiss sa taong yun.
Hindi ka kayang pasayahin ng kahit sino dahil mas lalo mong nararamdaman ang sakit sa tuwing nakakakita ka ng magkarelasyon na magkaholding-hands at naglalambingan.
Nakakainggit hindi ba?
Na sana ikaw rin.
Na sana kasama mo sya.
Pero kaya pang tiisin dahil naniniwala kang kayo pa rin hanggang sa huli.
Dahil hindi mahalaga ang distansya para sa inyo kung ang laman ng puso nyo naman ay ang isa't isa.
Pero hindi lahat ganito, hindi lahat kayang magsakripisyo.
Hindi sapat ang telepono, ang Internet para mapawi ang kalungkutan.
Mahirap labanan ang tukso.
Mahirap pigilan ang sarili na magmahal ng iba.
Hindi maiiwasang mahalin ang taong laging nandyan para sa'yo.
Pero kailangan pigilan ang nararamdaman dahil may taong umaasa at patuloy na naghihintay sa'yo.
'Wag kang aasa kung wala kang tiwala.
'Wag kang mag paasa kung ayaw mo na.
Kapag mahal ka n'ya, gagawa sya ng paraan para makita at makasama ka.
Kung dagat man ang pagitan, tatawag sya sa'yo para kamustahin ka.
Hindi dahilan kung busy sya dahil kung miss ka nya, ilang minuto lang naman, magagawa nya.
Sa huli, sapat lahat ng sakripisyo dahil mangingibabaw ang pagmamahal nyo sa isa't isa.
Simple lang ang buhay... walang forever... walang assurance.
At the end of the day, true love can stand against all odds.
Kung naranasan mo man ang ganitong sitwasyon, "Kaya pa ba?"
'Wag lokohin ang sarili mo kung alam mo namang walang patutunguhan at umaasa ka lang sa wala.
Sabi na lang ng iba, "bahala na... kung kami, kami talaga."
Bear in mind,
"Fate brings you together... but it's up to you to make it happen."
thanks @itsmekriztinab
2 comments:
thumbs up!
OMO. That's super hard bro. Like what they said "kung kayo e di kayo talaga..." but its no that... kung ganun ang susundin at paniniwalaan ng lahat "nganga" nalang til the end... in the end, we should all find our happiness... :)
Post a Comment